A tagalog or Pilipino version / translation of my Pangasinan poem entitled Sika.

ikaw
ikaw ang katinuan
at kasamaan ng pag-iisip ko
ikaw ang luha
saya at lungkot ng aking mga mata
ikaw ang bulong
ingay at katahimikan ng aking pandinig
ikaw ang Gumamela Celis
samyo ng bulaklak sa gabi at umaga

ikaw ang hininga
tamis at pait ng aking mga labi
ikaw ang tula
buhay at kamatayan ng aking pagkamakata
ikaw ang haplos
init at lamig ng aking palad
ikaw ang pag-ibig
tibok ng puso sa aking dibdib

ikaw ang langit at lupa
ikaw ang kamunduhan
mundo ng aking pinagmulan
ikaw ang bilang
minuto ng bawat oras
araw ng buwan sa mga lumilipas na taon

ikaw
ikaw ang Urduja
ng luma at bagong Pangasinan
ikaw ay ako
ako ay ikaw rin
nilikhang pinag-isa
anino at laman ng Diyos
na hindi maiguhit ang mukha

Comments

Popular posts from this blog

A Pangasinan Christmas Carol : Galikin odino Aligando (Gift)

About | Santiago Villafania