My 2nd poem ever written in Tagalog. The first one was entitled Haiku Tagala which I've taken offline.

sa dibdib ng Cordillera

nahawi na ang karimlan
na bumabalabal sa buwan
kasing tamlay ng mga tala
ang mga matang nagmamatyag
sa mga aninong naglalaho
sa sukal na daan patungo
sa isang lihim na tagpuan

minsan
tanging mga yabag ng paa nila
ang maririnig tuwing bukang-liwayway
dala-dala'y araro at hindi armas
pawis at hindi dugo ang umaagos
sa sunog nilang balat
at hapung katawan

anong poot ang naglalagablab
sa kanilang dibdib
kung kaya't sila ngayo'y animo
mandirigmang manhid sa sugat
ng salita't kagat ng taglamig?

bukas
sa may gulod - kalbaryo
ng mga kayumangging senturion
makikita ang mga palatandaang
walang pangalan o alaala
tanging mga damong ligaw
at mga ibong gala ang nakapag-alay
ng dasal bago sila tuluyang ibaon
sa limot


Writing for glossies workshop slated
The Filipinas Heritage Library will be hosting Writing for Glossies: The Feature Story Workshop on September 18 and 25 (Wednesday), October 1 (Tuesday), 6 to 8 p.m.

Kristine D. Fonacier, editor-in-chief of MTV Ink and music editor of Pulp Magazine, will give the basics of what to feature, how to conduct research and interview, and more importantly, helpful tips on how to get your work published. For more details, call 892-1801 or email events@filib.org.ph. Filipinas Heritage Library is along Makati Avenue opposite The Peninsula Manila.

Comments

Popular posts from this blog

A Pangasinan Christmas Carol : Galikin odino Aligando (Gift)

About | Santiago Villafania