Salaysay ed Litiratura na Pangasinan is currently featured in the Columns section of the Sunday Punch. A copy of the said essay is also posted on my other blog - Vox Pangasinense.
I rarely write Tagalog poetry but here is one I've written a few days ago. I wouldn't have the guts to post it here had I not received an encouraging critique/comments from my bard-brother, Jose Jason Chancoco :-p
huni sa Caboloan
yumao na silang lahat
ang mga matatandang makata
na may hawak sa karapatang-ari
ng mga kuwento at mga tulang
nagkahugis at nagkakulay ginto
sa isipan at gunita ng mga ninuno
isa-isa’t unti-unti silang bumitaw
na parang mga nalagas na dahon
at mga liriong inagos ng panahon
sa kasaysayan ng pagkalimot
kung ano ang iniwaklit sa alaala
ay naglalaho’t nawawala
alamat man o talambuhay
at banyuhay ng mga kaluluwang
itinala sa mga pahinang sumasalamin
sa unibersong nilamon ng ebolusyon
sa mga mandirigmang kinalakian ni Urduja
sa mga lahing Aryan ng Ibalong
sa mga dinidiyos at bathalang pinagmulan
ng mga magigiting na bayani’t uliran
na ngayon ay mga labi na lamang
ng guniguni’t mailap na karanasan
yumao na silang lahat
ang mga matatandang makata
na may kinalaman sa batas ng logos
at pangalan ng mga musa at aristos
paano isasalaysay ang mga kasaysayang
alikabok na’t nakalibing sa limot?
paano maiaahon sa hukay
ang Sagada ng mga kalansay
na makapagpapatotoo sa panahon
at pagtatagpo ng apoy at delubyo?
maliban lamang kung iluluwang muli
ng logos ang kanilang budhi
upang iwasto ang kanilang pagkakamali
bago maisakatuparan ang isang mithi
ang pagpanaw ng mga katutubong lipi
at pagsilang ng huwad na lahi
Notes: Caboloan (the other & archaic name of Pangasinan) and Kinalakian (women-warriors).
I rarely write Tagalog poetry but here is one I've written a few days ago. I wouldn't have the guts to post it here had I not received an encouraging critique/comments from my bard-brother, Jose Jason Chancoco :-p
huni sa Caboloan
yumao na silang lahat
ang mga matatandang makata
na may hawak sa karapatang-ari
ng mga kuwento at mga tulang
nagkahugis at nagkakulay ginto
sa isipan at gunita ng mga ninuno
isa-isa’t unti-unti silang bumitaw
na parang mga nalagas na dahon
at mga liriong inagos ng panahon
sa kasaysayan ng pagkalimot
kung ano ang iniwaklit sa alaala
ay naglalaho’t nawawala
alamat man o talambuhay
at banyuhay ng mga kaluluwang
itinala sa mga pahinang sumasalamin
sa unibersong nilamon ng ebolusyon
sa mga mandirigmang kinalakian ni Urduja
sa mga lahing Aryan ng Ibalong
sa mga dinidiyos at bathalang pinagmulan
ng mga magigiting na bayani’t uliran
na ngayon ay mga labi na lamang
ng guniguni’t mailap na karanasan
yumao na silang lahat
ang mga matatandang makata
na may kinalaman sa batas ng logos
at pangalan ng mga musa at aristos
paano isasalaysay ang mga kasaysayang
alikabok na’t nakalibing sa limot?
paano maiaahon sa hukay
ang Sagada ng mga kalansay
na makapagpapatotoo sa panahon
at pagtatagpo ng apoy at delubyo?
maliban lamang kung iluluwang muli
ng logos ang kanilang budhi
upang iwasto ang kanilang pagkakamali
bago maisakatuparan ang isang mithi
ang pagpanaw ng mga katutubong lipi
at pagsilang ng huwad na lahi
Notes: Caboloan (the other & archaic name of Pangasinan) and Kinalakian (women-warriors).
Comments