Tagalog version / translation of sonito 207.



(hacienda luisita)



para sa kanila na mga anakbanua

na isinilang sa lipi ng mga burgis

mahal pa ang katas ng tubo

kaysa dugong papatak sa lupa



matamis ang pawis ng timawang

pinipiga sa gintong darapilan

subalit mailap ang ginhawang

minimithi't inaasam-asam



sa likod ng maaliwalas mong mukha

ganap kang kalbaryo O Luisita

sapagkat dinilig ng dugo at luha

ang sagana at mayaman mong dibdib



walang kasing pait ang panlasa ko

sa bukal ng dilo sa'yong mga suso

Comments

Popular posts from this blog

A Pangasinan Christmas Carol : Galikin odino Aligando (Gift)

About | Santiago Villafania