Two Poems for Cirilo Bautista

Two Tagalog poems translated from Malagilion: Soniton Pangasinan.

sinonito 108

(para kay Cirilo F. Bautista)

kagabi ay hinimayhimay ko

ang bawat taludtud ng aking tula

binaybay ang mga malalalim na kataga

hanggang sa dumugo ang pahina

noon ko lang unang natikman

ang tamis at pait ng salita

na naging ostiya na isinubo

sa alaala ng aking pagkatao

ganito pala ang isang makata

kung hihiga sa kandungan ni Bathala

kinakailangan mong mamatay

nakaupo na parang si Buddha

o nakadipa sa kalbaryo

ng salita at pilosopiya

sinonito 115

mataas ang kaalaman ng isa

na lanta na ang kaluluwa

siya ang tanging aristos ng diwa

na may pang-unawa sa logos

ang karamihan ay walang pang-unawa

kahit may angking karunungan

mula sa apoy ni Prometheus

na ninakaw niya sa Olympus

alam ng aristos kung paano mamatay

at kung kailan niya tatayuan

ang kamatayan at katahimikan

ng lumikha at ng kawalaan

ang karamihan ay mabubuhay

sapagkat ito ang batas ng logos

Comments

rapunzel_poring said…
magandang araw po. nag-aaral po ako ng comparative literature sa UP Diliman. at tingin ko po'y magiging malaking tulong sa'king pag-aaral ang inyong blog. maaari ko po ba kayong idugtong sa aking personal blog. gagawa pa lamang po kasi ako ng blog na nauukol sa literature kaya pasensya na po kung sa personal blog ko po kayo maidudugtong muna.

Sonny said…
sige :) check mo rin yong latest blog site sa www.dalityapi.com

lumang blog ko na 'to kasi.
Sonny said…
sige :) check mo rin yong latest blog site sa www.dalityapi.com

lumang blog ko na 'to kasi.

Popular posts from this blog

A Pangasinan Christmas Carol : Galikin odino Aligando (Gift)

About | Santiago Villafania