Dalityapi sa Huling Paglalakbay

I read the following poem during the Pangasinan Festival of Culture and the Arts at the Faculty Center, UP-Diliman last December 3, 2007. This poem is about the last voyage of the Cattle Caravans of Ancient Caboloan.

Dalityapi sa Huling Paglalakbay

1.

ang mga bumabaroy ng Caboloan
ilang salin-lahi din silang naghari
sa mga daan at lansangan upang sundan
ang bakas ng kanilang mga ninuno
at haraya ng lalawigang pinagmulan

salamin ang kanilang paglisan
ng mabagal na pag-usad ng panahon
at pananatili ng kinagisnang yaman-lahi
larawan sila ng tadhanang nasa bingit
ng pagkawala at debolusyon

bawat hakbang sa kanilang paglalakbay
ay bilang ng mga hapung sandali
hanggang sa marating ang lilim kung saan
pansamantalang mananahanan
at palipasin and lalim at lihim ng gabi

2.

may awit at tula ang bukang-liwayway
may hele ng pag-asa ang paglipas
ng dalitsuyo sa tag-araw at dalitlumbay sa tag-ulan
subalit sadyang ipinagkait sa kanila
ang katuparan ng sansiglong pangarap

sa ngalan ng paglago at pagbabago
ngayon ay mga dumi sila sa paningin
sa mga lansangang ipinagbabawal nang apakan
sa mga bayang pilit iniluluwa
ang kanilang kaluluwa pabalik sa silangan

ang kanilang pagbabalik ay tila
anino na lamang na mababanaag
sa matandang mukha ng takip-silim
hanggang sa maging bahagi na rin ng nakaraan
at alaala ng matayug na Caboloan

Comments

Popular posts from this blog

A Pangasinan Christmas Carol : Galikin odino Aligando (Gift)

About | Santiago Villafania