LIRA accepting sign-ups for 2008 poetry clinic
LIRA (Linangan sa Imahen, Retorika at Anyo) is now accepting sign-ups for its next poetry clinic. All those who are interested must submit five (5) poems in Filipino along with a short bio-data and one 1x1 ID picture, sent to liraworkshop@gmail.com or dropped off c/o Prof. Vim Nadera at the UP Institute of Creative Writing, 2/F Faculty Center, UP Diliman, 1101 Quezon City. All submissions should be in on or before April 30, 2008.
The regular clinic period is from June to August and will be held every Saturday and Sunday from 9: 00 AM until 5:00 PM.
---
Bukas na pong muli ang LIRA sa mga nais magpatalâ upang lumahok sa taunang klinikang pampanulaan. Ang klinika po ay gaganapin mula 9:00 n.u. hanggang 5:00 n.h. tuwing Sabado at Linggo, at magtatagal nang tatlong buwan, mula Hunyo hanggang Agosto.
Tulad po ng mga nakaraang taon, magpadala po ng isang pahinang bio-data na may 1x1 ID picture, kasama ang limang tula sa Filipino, sa liraworkshop@gmail.com, o ilagay ito sa pigeon hole ni Prof. Vim Nadera sa UP Institute of Creative Writing, 2/F Faculty Center, College of Arts and Letters, UP Diliman. Ang huling araw po ng pagpapatalâ ay ang ika-30 ng Abril, 2008.
Ngayong 2008 ay 23 taong gulang na ang LIRA, isang samahan ng mga makatang nagsusulat sa wikang Filipino. Ang LIRA ay itinatag ni Virgilio S. Almario, Pambansang Alagad ng Sining para sa Panitikan, noong 1985, at kinabibilangan ng mga premyadong makata tulad nina Edgar Samar, Jerry Gracio, Michael Coroza, Vim Nadera, Roberto at Rebecca Añonuevo, at Romulo Baquiran Jr.

Comments