Gawad Komisyon 2008 Ngayong Buwan ng Wikang Pambansa
Ngayong Agosto, ipinagdiriwang ng bansa ang Buwan ng Wikang Pambansa. Ang pagdiriwang ngayon ay may tema na "Wika Mo, Wikang Filipino, Wika ng Mundo, Mahalaga!" Muling pangungunahan ng Komisyon sa Wikang Filipino ang naturang taunang pagdiriwang na umaalinsunod sa Proklamasyon Blg. 1041.
Kaugnay nito, muling bubuksan ang timpalak sa Gawad Komisyon sa Sanaysay-Gantimpalang Collantes na nasa wikang Filipino. Ito ay isang timpalak sa pagsulat ng pormal na sanaysay na itinatatguyod kapuwa ng Komisyon sa Wikang Filipino at Jorge Collantes Foundation kaugnay ng taunang pagdiriwang ng “Buwan ng Wikang Pambansa” (Agosto 1-31, 2008).
Ang paksa ng timpalak ay “Wika mo. Wikang Fiipino. Wika ng Mundo. Mahalaga!” Ang mga gantimpala ay ang sumusunod: Una, Php 20,000.00 at tropeo; pangalawa, Php 12,000.00 at plake; pangatlo, Php 9,000.00 at plake; at P3,000.00 at plake bawat isa para sa magwawagi ng tatlong (3) karangalang- banggit.
Kasabay nito, bubuksan din ang Gawad Komisyon 2008. Ito ay timpalak sa pagsulat sa tula, maikling kuwento at/o sanaysay sa sampung (10) pangunahing wika: Ilokano, Sebwano, Tagalog, Bikol, Hiligaynon, Samar-Leyte, Pangasinan, Kapampangan, Meranaw. Ilan sa mga tampok na gawain kaugnay ng isang buwang pagdiriwang ay ang mga sumusunod:
Agosto 1, 2008 Pambukas na Palatuntunan
Agosto 14, 2008 Araw ng Komisyon sa Wikang Filipino
Agosto 19, 2008 Parangal sa Ama ng Wikang Pambansa
Agosto 31, 2008 Pangwakas na Palatuntunan
Kaugnay pa rin ng pagdiriwang ng Buwan ng Wikang Pambansa ay may mga gawaing idaraos sa iba’t ibang rehiyon na pangungunahan naman ng mga Pangungunahan naman ng mga Panrehiyong Sentro sa Wikang Filipino na nakabase sa mga pang-estadong unibersidad sa bansa.
Tumawag sa telepono Blg. 736-2525/25 local 105 para sa karagdagang detalye o magtungo sa web site ng Komisyon sa http://komfil.gov.ph.
» I-download ang GAWAD KOMISYON 2008 Pormularyo sa Paglahok.

Comments