TALAANG GINTO: GAWAD SURIAN SA TULA (GANTIMPALANG TAMAYO 2009)

Ansakit so linawak ya say iilaloan kon wala'y pililikna da ed ibulaslas na litiratura ono kuritan a Pangasinan et pinili da nin itda'y baleg a suporta so Gawad Surian nen say Gawad Komisyon (Tulang Pangasinan) ya anggapo'y asumpalan to ed saya'y taon a 2008.

Tampal iya ed sikamin umaanlong tan sumusulat ed salitan Pangasinan. Singa ipapaneknek na Antonio Laperal Tamayo Foundation ya anggapo la'y yaliguas tan kakanaan na kuritan a Pangasinan.


---

Tuntunin sa Timpalak

Ang TALAANG GINTO: GAWAD SURIAN SA TULA-GANTIMPALANG TAMAYO ay timpalak sa pagsulat ng tula na itinataguyod kapuwa ng Komisyon sa Wikang Filipino at Antonio Laperal Tamayo Foundation na sa unang pagkakataon ay siyang magkakaloob ng gantimpalang salapi para sa timpalak na ito, kaugnay ng pagdiriwang ng Araw ni Balagtas tuwing Ikalawa ng Abril taun-taon.

Nilalayon ng timpalak na: a) lalo pang pasiglahin ang panulaang Filipino sa pamamagitan ng pagkilala sa mga batikan at baguhang talino at b) pataasin pa ang uri ng panulaang Filipino.

Mga Tuntunin:

1. Bukas ang timpalak sa lahat, maliban sa mga kawani ng KWF at kanilang kaanak.

2. Ang lahok ay kailangang orihinal, hindi salin mula sa ibang wika at hindi pa nalalathala sa alinmang publikasyon. Hindi patatawarin ang sino mang nahuli at napatunayang nagkasala ng pangongopya. Kakanselahin ng KWF ang ipinagwaging lahok nito sa timpalak at di na muling makasasali pa sa alinmang timpalak ng KWF.

3. Malaya ang paksa at ang haba ay hindi hihigit sa dalawampung pahina. Maaaring ilahok ang mga tulang may sukat at tugma, maaari rin ang may malayang taludturan.

4. Ang lahok ay kailangang may apat (4) na kopyang makinilyado o kompyuterisado (Font 12 – Arial). Doble espasyo sa 8 ½ “ x 11” na bond paper na may palugit na isang (1) pulgada sa itaas at ibaba at sa magkabilang tabi.

5. Isang (1) lahok lamang ang maaaring isumite at ito ay dapat magtaglay ng sagisag-panulat (pseudonym) sa halip na tunay na pangalan ng kalahok. May hiwalay na pormularyo sa paglahok na makukuha nang libre sa KWF at ilakip ito kasama ng lahok.

6. Ang mga gantimpala ay ang sumusunod: una, P15,000.00 at karangalang maging “Makata ng Taon 2009”; pangalawa, P10,000.00; pangatlo, P8,000.00 at tropeo bawat isa; at P3,000.00 at plake para sa magwawagi ng tatlong karangalang-banggit. Tatanggap din ang mga magwawagi ng katibayan ng pagwawagi. Ang mga magwawagi sa timpalak ay kailangang magsumite ng isang (1) electronic file ng kanilang ipinagwaging lahok bago pa dumating ang Abril 2, 2009.

7. Ang lahok ay maaaring dalhin nang personal o ipadala sa koreo sa:

Lupon sa Tula 2009
Komisyon sa Wikang Filipino
2/F Watson Bldg., 1610 J.P. Laurel St.
San Miguel, Manila

8. Ang huling araw ng pagsusumite ng lahok ay sa Marso 13, 2009. Ang mga lahok na ipinadala sa pamamagitan ng koreo ay kailangang matanggap ng KWF nang di lalampas sa petsang nabanggit.

9. Ang pasya ng inampalan ay pinal at di maipaghahabol. Lahat ng mga lahok, nanalo man o natalo, ay pag-aari na ng KWF at angkin ng tanggapan ang karapatang mailathala ang mga ito na walang tatanggaping royalty ang may-akda.

10. Makapagtatanong sa KWF, tel. 736-3832, 736-3830 loc. 105.

---

Inaon ed website na Komisyon sa Wikang Filipino - http://wikangfilipino.wordpress.com/aktibidad/

Comments

Popular posts from this blog

A Pangasinan Christmas Carol : Galikin odino Aligando (Gift)

About | Santiago Villafania